Interbyu

MGA PANAYAM SA MGA TAONG KASALUKUYANG NASA LARANGAN NG SIYENSA:


Dra. Maria Liza Laynes

Sa panayam kay Maria Liza Laynes, isang Pilipinang doktor na may espesyalisasyon sa Internal Medicine na ngayon ay nakabase sa Michigan, napili niya ang larangang ito dahil sa kagustuhan niyang makatulong sa mga taong may sakit. Sa simula, nahirapan umano siyang makakuha ng trabaho dahil sa kompetisyong global kung kaya’t kinailangan niyang patunayan ang kanyang sariling kakayahan. Ayon sa kanya, 70:30 ang proporsyon ng mga lalaki sa babae sa kanyang pinapasukan ngunit hindi naman ito dulot sa kasarian sa halip ito ay dahil sa mga kani kanilang koneksyon.


Prof. Andrea Vargas

Sa panayam mula kay ginang Andrea Vargas, propesor sa kursong biochemistry sa Unibersidad ng Santo Tomas, napili niya ang kursong kanyang pinagtapusan dahil sa interes niya sa siyensa noong siya ay hasykul pa lamang at mas lalong umigting ang kanyang interes sa biochemistry noong nalaman niyang ito ay isa sa mga kursong ibinibigay sa University of Santo Tomas. Ayon sa kanya, hindi siya nahirapang maghanap ng trabaho noong makapagtapos siya sa kolehiyo sapagkat hindi pa siya nakapagtatapos, nagkaroon na siya ng pagkakataon na mainterbyu bilang isang research assistant na kalauna'y naging trabaho na niya bago pa man siya makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Dahil dito ay hindi siya nakaranas nang anumang balakid sa paghahanp ng trabaho dahil sa kanyang kasarian. Ayon din sa kanya, ang proporsyon ng lalaki sa babae sa kanyang trabaho ay 1:1 at hindi siya naniniwalang nakaaapekto ang kasarian sa isang gradweyt sa oportunidad niya sa paghahanap ng trabaho.


Prof. CJ Madarang

Sa panayam kay ginoong CJ Madarang, propesor sa kursong chemistry sa Unibersidad ng Santo Tomas, napili niya ang kursong kanyang pinagtapusan dahil sa kagustuhang kumuha ng degree sa medisina. Hindi siya nahirapang makahanap ng trabaho matapos makapagtapos sa kanyang kurso. Ayon sa kanya, depende raw sa departmentong kinabibilangan ang proporsyon ng mga kababaihan at kalalakihan. Ngunit mas marami raw ang kalalakihan at sa kanyang pag-eestima, nasa 70:30 or 60:40 raw ang proporsyon ng lalaki sa babae at malaki raw ang epekto ng kasarian sa paghahanap ng trabaho. Kanyang nabanggit na karamihan daw ng posible talagang matanggap ay mga kalalakihan lalo na kapag sa laboratoryo ang trabaho sapagkat mas delikado raw para sa kababaihan ang ganitong uri ng trabaho dahil din sa posibilidad na mabuntis/magkaanak lalo na kung may pamilya o balak magpamilya ang babae. Ngunit kung talagang mahusay, magaling o alam ng babae ang pinapasok niya ay mas mapapadali ang proseso ng pag-apply para sa mga kababaihan.


Librado Santiago

Ayon sa panayam mula kay ginoong Librado Santiago, isang mananaliksik sa larangan ng biokemika, napili nya ang kursong biochemistry dahil sa kagustuhan nya sa asignaturang ito. Hindi sya nahirapang kumuha ng trabaho marahil narin sa mga opportunidad na dumating sa kanya habang sya ay nasa kolehiyo. Sya ay nagtrabaho ng sampung taon sa Japan kung saan nakita nya ang kompetisyon at diskriminasyon sa larangan ng siyensa batay sa kasarian ng isang manggagawa. Ayon sa kanya mayroong distinct na pagkakaiba sa proporsyon ng babae sa lalaki doon at malaki daw ang epekto ng kasarian sa bansang Japan.


( Made with Carrd )